LAYUNIN
Matukoy ang lebel ng pagbasa ng mga mag-aaral
Makagawa ng mga babasahing angkop sa lebel ng pagbasa ng mga mag-aaral
Mapaunlad ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral
Mapagyaman, mapalakas,at mabigyang-lunas ang hindi namaster n akasanayan sa pagbas ng mga mag-aaral
Mapababa ang bilang ng mga mag-aaral na hindi marunong magbasa
Mabigyang- halaga ang papel na ginagampanan ng mga magulang bilang katuwang sa paglinang ng kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral
MGA GAWAIN
Pagsasagawa ng Pansangay na Pagsasanay sa MARUNGKO Approach sa mga Guro (Nob. 14-15, 2022)
Oryentasyon sa Programang MMK Ka-BUDDY (Nob. 24, 2022)
Pagbuo ng Proyekto sa Pagbasa ng mga mag-aaral at magulang ng bawat paaralan (Buong Buwan ng Disyembre 2022)
Pagsumite ng Proposal ng Proyekto (Enero 9-13, 2023)
Pagsasagawa ng mga gawain ng bawat paaralan (Pebrero 2023 – Hunyo 2023)
Pagmonitor sa pagsasakatuparan ng mga gawain ng Proyekto sa Pagbasa (Pebrero 2023 – Hunyo 2023)
Pagsasagawa ng Pansangay na Paligsahan sa Pagbasa (Hulyo 2023)
Pagpasa ng Ulat ng Nagawa kaugnay ng pagsasakatuparan sa mga gawain ng proyekto (Hulyo 3-7, 2023)
Pansangay na Pagsasanay at Workshap sa Pagtuturo ng Panimulang Pagbasa sa mga Guro ng K-3 at JHS
“Pundasyon ng magandang kinabukasan, sa pagbasa mamuhunan”. Kaya marapat lamang na turuang magbasa ang ating kabataan dahil isa itong mahalagang aspeto sa kanilang pagkatao. Isang hakbang tungo sa maunlad na kinabukasan.
Sa kasalukuyan ay nahaharap ang mga guro sa isang hamon sapagkat marami sa mga mag-aaral ay nahihirapan magbasa. Isang dahilan nito ay ang paghinto ng “face to face” na klase sa panahon ng pandemya. Hindi gaanong natugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa K-3 na matutong magbasa. Mayroon namang mga mag-aaral sa sekundarya na hirap magbasa. Kaya naman ang Sangay ng Lungsod Masbate, sa pangunguna ni Gng. Marie Grace B. Manlapaz, Tagapangasiwa sa Filipino, ay nagsagawa ng pagsasanay para sa mga piling guro ng K-3 at Junior High School tungkol sa Pagtuturo ng Panimulang Pagbasa. Ito ay upang matugunan ang pangangailangang matuto na nahadlangan ng pandemya sa loob ng dalawang taon. Layunin ng pagsasanay na ito na higit pang mahasa ang kakayahan ng mga guro sa pagtuturo ng pagbasa. Gayundin ang madagdagan ang kanilang kaalaman sa mga estratehiya at pamamaraan sa pagututuro nito upang maibahagi naman sa mga magulang bilang katuwang sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral na makapagbasa gamit ang angkop na pamamaraan.
Ang pagsasanay ay nagsimula noong Nobyembre 14, 2022 na ginanap sa Function Hall ng SDO-Masbate City sa ganap na alas otso ng umaga. Buong sigla at sigasig na pinamunuan ni G. Michael Cabataña ang pagsisimula ng pambungad na palatuntunan. Kaagad itong sinundan ng pagtalakay sa “Big Six (6) ni G. Noel D. Logronio. Ito ay nakatuon sa anim na mahahalagang kasanayan na dapat matutunan ng mag-aaral sa pagsisimulang matutong magbasa. Ito ay ang 1. Oral Language o Wikang Pasalita; 2. Phonological Awareness ang pagkilala sa tunog ng bawat titik; 3. Phonics ang pagkilala sa ugnayan ng titik at tunog; 4. Vocabulary o talasalitaan; 5. Fluency o katatasan; at 6. Comprehension o pag-unawa sa binasa. Malinaw na ibinahagi ng tagapanayam ang konsepto sa kahalagahan na matutuhan ito ng mag-aaral lalo na sa elementarya. Sunod na tinalakay ang patungkol sa Laws of Learning ni Gng. Marie Grace B. Manlapaz. Binigyang diin ang kahandaan sa pagbasa ng isang bata at ang tungkol sa Panimulang Pagbasa at mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang patungkol dito. Mahalagang matukoy ang kahandaan ng isang bata sa pagbasa upang makapagbigay ng angkop na paraan at estratehiya sa pagtuturo. Ang mga kaalamang ito ay lubhang napakahalagang malaman at maunawaan ng mga guro upang kanila ring maipaabot sa mga magulang nang sa gayun ay makuha ang interes ng mga mag-aaral na matutong magbasa.
Malaking hamon man ang kaharapin sa aspeto ng pagtuturo sa pagbasa, hindi ito hadlang upang maipagpatuloy at maisulong ang de kalidad na edukasyon. Patuloy na gagawa ng paraan upang tiyak na kaalaman ay maihatid sa mga mag-aaral. Dahil ang magandang kinabukasan nila ay nakasalalay sa kamay ng gurong mapagkalinga katulong ang mga mapagmahal na mga magulang. Kung kaya’t sa pinagsanib na pwersa ng mga guro at magulang, hindi imposible ang pananatili ng mga mag-aaral na hindi marunong magbasa. Ang mga magulang ay katuwang ng mga guro sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral na makapagbasa. Sa katunayan, Mga Magulang Ko, Kaagapay sa mga Babasahin Upang Dukalin, Dalubhasain at Yapusin.